Mapagpalang Ama ng Sangsinukob:
Sa kapanahunang ito ng Pagmamahal at Pag-ibig sa Kapuwa Nilalang, itong Inyo pong abang anak na nag-anyong Filosopong Gubat ay taos-puso at tiklop-tuhod na sumasamo, sumisigaw sa impit na tinig, at dumadalangin na ipagkaloob Mo po nawa sa nagdaralita Ninyong mga anak dini sa Kapuluang tinaguriang Islas Filipinas ang mga sumusunod:
UNA. Igawad Mo po sa bawa't isa ang Inyong mapagpalang basbas, pag-alabin ang kanilang mga puso ng damdaming pagmamahal sa lahat na mga kapuwa kinapal.
IKALAWA. Pa-sidhiin Mo po sa kanilang mga puso ang kapasyahang magpatawad sa kapuwa, sa mga inaakala nilang nagawang mga kamalian at kung anu-ano pa mang uri ng pagkakasala.
IKATLO. Pag-alabin Mo po ang damdamin ng lahat na mga Kasapi sa Masoneriya na may iba-ibang kasaklawan, o hurisdiksyon, dini sa aming bansa; sa dahilang iisang teritoryo ang kanilang kinaroroonan, isa rin lamang bandila ang sumasagisag sa kanilang pagka-bansa; isa ring Saligang-Batas ang sumasaklaw sa kanila, at magkakatulad na ordinansa't mga batas ang kanilang tinatalima.
PAGLIWANAGIN N'YO PO ANG KANILANG MGA DIWA AT ISIP Upang maunawa nila ang masaklap na mga katotohanan sa kasaysayan ng bansang aming isinasamo ng Inyong gabay at pagkandili upang lubos nilang maunawaan ang mga sumusunod:
1. Ang Kapatirang Masoneriya na ipinunla sa aming kamalayan ng nangaunang nagsikap na palayain ang isip at diwa ng aming lahi ay pinagpilitang burahin, o lipulin, sa aming lupain ang binhi ng Kapatiran, ng nauna nanakop sa amin; sa paraang pagbilanggo, pagpatay, dili kaya'y pagpapatapon ng mga napag-hinalaang Mason.
2. Ang sumunod na nanakop ay ginamit ang taktikang "divide et impera," matapos na mabatid ang pag-iral ng Kapatiran sa bansa -- nung ang ating mga ninuno ay sumamo sa mga Kapatid sa Washington "na gamitin ang moral nilang impluwensya" upang sansalain ang maka-hayop na pagpapahirap sa ating mga kalahi -- sa ginawang zona-zona, o hamletting.
Madalian nilang itinatag ang GLPI, na sa dakong huli ay GLP na lamang; at ang mga kabig o tagasunod nina Aguinaldo, Quezon at Aglipay ay nagkawatak-watak, sanhi na rin sa pagkasangkot ng Kapatiran sa pulitika.
3. At simulang naging malayang-pulitikal ang aming bansa ay higit pang lumubha ang pagkahiwa-hiwalay ng Inyong mga anak; na may mga "naiwan sa labas ng bakod."
PAGPALAIN N'YO PO, DAKILANG AMA, Na sa kapanahunang ito ay magkaroon na ng ganap na unawaan at pagkakasundo ang nagkawatak-watak na mga Kapatid sa Masoneriya sa aming bansang Pilipinas.
Iyan po, Ama Naming Lalong Dakila, ang samo at dalangin namin sa panahong ito ng Pag-ibig, Pagpapatawad, at Pagkakasundo.
Ang Inyong Abang Anak at Nilalang, na hindi na tumatanda!
Irineo Perez Goce -- a.k.a. Ka Pule2
Laong Laan Lodge No. 185, GLP -
MotherLodge Perla del Oriente No. 1034 (SC) Affiliate
TIRAHAN: Lungsod ng Lipa, Pilipinas
------------------------
So Mote It Be!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Fraternal greetings brethren!
Wishing you and your family a very Merry Christmas and a Peaceful New Year!
May TGAOTU continue to shower HIS blessings upon all Masons and their families withersoever dispersed and may HE grant us our ultimate dream of a Universal Freemasonry.
And may Brotherly Love, Relief, Truth, Liberty, Equality and Fraternity always prevail in our midst.
With our warmest fraternal embrace,
Bro. Ben and Cora Apacible & Family
(Kalilayan Lodge No. 37, Lucena City)
(Araw lodge No. 18, Manila)
Current Location: Quezon City, Philippines
Hello Mga Kuyang,
Happy Christmas to you and your family!
Congratulations also to the newly elected officers for the ensuing Masonic Year.
Goodluck to you all!
+++ +++++ +++++++
Joel Manuel
Malolos :: # 46 F. and A. M.
MWGLP
Luzon Yorkrite No. 1
M. H. Del Pilar Chapter
Order of Demolay ISC
Ka Pule,
All I can say is wow. I don't understand most of the deep tagalog but I am nevertheless impressed with the composition.
I know that it's sometimes very difficult to translate into English & yet convey the same message, however, I would like to request a translation in English so that I may continue to enrich my tagalog diction in the process.
I was raised in Hawaii (Ilocano) & spent most of my adult life in California (Tagalog), therefore, sometimes my Tagalog vocabulary is limited to conversational.
I've learned a lot from PinoyMasons. Thank you very much.
Fraternally,
Jerry Sabaot,
Crocker #212, PM
San Joaquin #19,
WMMorning Star #68
Mt. Oso #460
California #1
Pleasanton #321
Present Loc: Dublin California
Post a Comment