Mga Minamahal na Kapatid:
Atin pong bigyan ng isang marubdob na pagbati sa kanyang 83 taong kaarawan, ngayon ika-15 ng Disyembre ang ating pong kapatid na si Ka Pule2.
Sa iyo, aming mahal na Ka Pule2, maligayang bati sa iyong kaarawan at kalakip na rin po nito ang aming dalangin na patuloy ang iyong magandang kalusugan, mahaba pang buhay at matimyas na kaligayahan sa piling ng iyong mga minamahal. Hangad din po namin ang tagumpay ng iyong adhikain na matamo natin ang. isang bansa, isang diwa, isang wika!
Sumasaiyo ang mainit na pag-ibig ng kapatirang walang hangganan,
Maven
LPDO#1034, S.C.
MLC, Phils.
The light we receive is ... the love that we send.
Showing posts with label Ka Pule2. Show all posts

Tuesday, December 15, 2009
Friday, December 19, 2008
MATAIMTIM NA DALANGIN SA KAPASKUHAN ni Kap Ireneo "Ka Pule" Goce
Mapagpalang Ama ng Sangsinukob:
Sa kapanahunang ito ng Pagmamahal at Pag-ibig sa Kapuwa Nilalang, itong Inyo pong abang anak na nag-anyong Filosopong Gubat ay taos-puso at tiklop-tuhod na sumasamo, sumisigaw sa impit na tinig, at dumadalangin na ipagkaloob Mo po nawa sa nagdaralita Ninyong mga anak dini sa Kapuluang tinaguriang Islas Filipinas ang mga sumusunod:
UNA. Igawad Mo po sa bawa't isa ang Inyong mapagpalang basbas, pag-alabin ang kanilang mga puso ng damdaming pagmamahal sa lahat na mga kapuwa kinapal.
IKALAWA. Pa-sidhiin Mo po sa kanilang mga puso ang kapasyahang magpatawad sa kapuwa, sa mga inaakala nilang nagawang mga kamalian at kung anu-ano pa mang uri ng pagkakasala.
IKATLO. Pag-alabin Mo po ang damdamin ng lahat na mga Kasapi sa Masoneriya na may iba-ibang kasaklawan, o hurisdiksyon, dini sa aming bansa; sa dahilang iisang teritoryo ang kanilang kinaroroonan, isa rin lamang bandila ang sumasagisag sa kanilang pagka-bansa; isa ring Saligang-Batas ang sumasaklaw sa kanila, at magkakatulad na ordinansa't mga batas ang kanilang tinatalima.
PAGLIWANAGIN N'YO PO ANG KANILANG MGA DIWA AT ISIP Upang maunawa nila ang masaklap na mga katotohanan sa kasaysayan ng bansang aming isinasamo ng Inyong gabay at pagkandili upang lubos nilang maunawaan ang mga sumusunod:
1. Ang Kapatirang Masoneriya na ipinunla sa aming kamalayan ng nangaunang nagsikap na palayain ang isip at diwa ng aming lahi ay pinagpilitang burahin, o lipulin, sa aming lupain ang binhi ng Kapatiran, ng nauna nanakop sa amin; sa paraang pagbilanggo, pagpatay, dili kaya'y pagpapatapon ng mga napag-hinalaang Mason.
2. Ang sumunod na nanakop ay ginamit ang taktikang "divide et impera," matapos na mabatid ang pag-iral ng Kapatiran sa bansa -- nung ang ating mga ninuno ay sumamo sa mga Kapatid sa Washington "na gamitin ang moral nilang impluwensya" upang sansalain ang maka-hayop na pagpapahirap sa ating mga kalahi -- sa ginawang zona-zona, o hamletting.
Madalian nilang itinatag ang GLPI, na sa dakong huli ay GLP na lamang; at ang mga kabig o tagasunod nina Aguinaldo, Quezon at Aglipay ay nagkawatak-watak, sanhi na rin sa pagkasangkot ng Kapatiran sa pulitika.
3. At simulang naging malayang-pulitikal ang aming bansa ay higit pang lumubha ang pagkahiwa-hiwalay ng Inyong mga anak; na may mga "naiwan sa labas ng bakod."
PAGPALAIN N'YO PO, DAKILANG AMA, Na sa kapanahunang ito ay magkaroon na ng ganap na unawaan at pagkakasundo ang nagkawatak-watak na mga Kapatid sa Masoneriya sa aming bansang Pilipinas.
Iyan po, Ama Naming Lalong Dakila, ang samo at dalangin namin sa panahong ito ng Pag-ibig, Pagpapatawad, at Pagkakasundo.
Ang Inyong Abang Anak at Nilalang, na hindi na tumatanda!
Irineo Perez Goce -- a.k.a. Ka Pule2
Laong Laan Lodge No. 185, GLP -
MotherLodge Perla del Oriente No. 1034 (SC) Affiliate
TIRAHAN: Lungsod ng Lipa, Pilipinas
------------------------
So Mote It Be!

Wednesday, November 5, 2008
Three Brethren Drops Working Tools: Nov 2008
We join in the prayers for the soul of Bro. Kenneth Bayas of Tagaytay Lodge No 165.
Avelino M. Sumagui,
Tagaytay 165
Grand Honors Band
The Unofficial Band of the GLPIBP
Cavite Chapter Philippines
---------------------------------------
Also pray for WBro Gerardo Pasco of Silanganan Lodge No 19 at Arlington, Pasig; and
WBro Pete Navarro of Jacobo Zobel Memorial Lodge No. 202 at St Ignatius Chapel, 8 November burial [TBA].
Both information coming from our Ka Pule2 and Kuyang Willy Calinawan.

Subscribe to:
Posts (Atom)